Tulad ng marami, ang isang bagay o pang-yayari na hindi mo kailan man inasahan ay maaring maganap pag-dating sa pag-ibig. Dito nag-umpisa ang samahang ito. Mula sa YM na tumatagal hanggang apat na oras umikot ito at naging ganap na samahan sa Email na kung saan ang mga miyembro ay halos araw-araw na nag-susulat ng kanilang karanasan at nararamdaman, nag-babahagian ng inspirasyon at komento, nag-bibigay payo at ibang kaalaman.Mula sa suliranin sa pag-ibig, ang samahang ito umusbong sa kakaibang samahan. Dito ang pakiramdam ng nag-susulat ay parang may kausap at may nakikinig sa kanyang saloobin. Dito walang tama at mali. Ang importante ay nailalabas ang saloobin. Dito naipapahayag ang opinyon at damdamin ng malaya at walang pag-aalinlangan.
No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. It is greatly appreciated.