
Maluwag ng konti ang trabaho ng mga pirata. Nabalitaan ni Niyebe na ang isang kapitan ng barko ay dadaong at hindi muna mag-lalayag ng pansamantala hanggang sa Oktubre. Hindi ata maganda na pangitain ito. Sa mga ibang pirata hindi maganda sapagkat mababantayan ng husto ng dilag na kapitan ang kanilang mga galaw.
Samantala, si Niyebe ay napatingin sa iskedyul at napansin niya na sa mga susunod na araw ay hindi sya gaanong makakapag-sulat sapagkat magiging busy pa din ang kanyang iskedyul. Isisingit na lang nya ang pag-ss. Kailangan nilang mamingwit ng maraming isda para magka-pera. Mabuti na lang ang kanyang amo na kapitan ay kahit ganoon siya ay masipag, yun nga lang damay din si Niyebe sapagkat hindi nakakalakad ang kanyang amo ng walang alalay. Ayun dakilang piratang alalay pala si Niyebe.
Napag-usapan pala ng mga pirata sa barko ni Niyebe ang patungkol kay Hung. Siya ay sa barko na nauuna kaysa barko ni Niyebe. Doon siya sumusweldo pero hindi sya nagtratrabaho. Kulang sa "sensitivity". Siya ay dapat ipadala ng dilag na kapitan sa ibang bayan upang mamingwit duon ng isda pero maraming rason si Hung. Hindi man lang nya naisip na wala na siyang naitutulong sa barkong kanyang pinagsusuwelduhan. Mas gusto niya sa bagong barko na kung saan naandon si Niyebe. Sana naman ay mahiya siya sa nagpapa-sahod sa kanya na barko.
Ang barko na sinasakyan ni Niyebe ay maayos pa naman. Sana ay tumagal pa ito. Pati na rin ang mga bangka na nangaling sa barkong ito na kung saan ang isa ay nakabantay si Yebe.
Mabuhay tayong lahat.
Mabuhay ang SS. ang bangka na binantayan ni Yebe ay malinaw na naglalawig sa karagatan. Magumpisa ang kanyang expidasyon ngayong linggo. Masaya ang lahat!!!!
ReplyDeleteang dapat gawin ni niyebe ngayon sa mga barkong ito pati na sa mga bangkang nakapaligid dito ay magsabog ng kamalayan ng "sensitivity" para ng sa ganon masaya ang lahat ng kapitan at mga pirata na rin....hehe
ReplyDelete