Tuesday, August 25, 2009

Pag-ibig na Bulag


Inuumpisahan ni Niyebe ang pagsulat mula sa isang magandang damdamin. Masaya siya sapagkat nagawa nyang magpatawad at tumanggap ng mga bagay-bagay na sa isang normal na circumstansya, maaring sabihin na isa siyang tanga.
Hindi ba't nasulat na na ang taong umiibig ay nabubulag? Noong wala si Niyebe sa sitwasyong ganito ay hindi nya tinatanggap ang ideyang ito. Ngunit, subalit, datapwat tinamaan siya ng pana ni kupido kasama ata pana ni Robinhood, ang mga mata nya ay namulat sa katotohanan.
Ang katotohanan na ang tao pag hindi umiibig ay kailan man hindi nakikita ang tunay na kulay ng isang tao at dahil dito siya ay nagiging mapang-husga. At kung siya ay umibig na, ang tunay na kulay ng kanyang sinta ay kanyang nakikita. Hindi ito ibig sabihin na sya'y nabulag kundi siya ay namulat sa tunay na lagay ng buhay. Na bawat tao ay makulay. Minsan ang mga kulay na ito ay iba't iba ang "shade" ika nga. At mga kulay na ito minsan ang ay gusto nya minsan naman ay hindi.
Sa sitwasyon ng pag-ibig, ang mga kulay na ito ay sabihin mo mang hindi ka-aya-aya, ito ay natatanggap ng taong nagmamahal. Iniintindi nya. Hindi siya bulag. Siya ay umiibig ng tunay. At ang tunay na pag-ibig, kailan man ay hindi mapang-husga. Hindi ito nagtatanim ng sama ng loob, ng galit at pag-hihiganti. Bagkos ito ay nag-papatawad at umiintindi. Ang mga pagkaka-mali ng sinisinta ay nagiging pamaraan upang siya ay maging mabuting tao. Ang mga pagkaka-mali ng sinisinta ay nagiging pag-susuri sa kanyang sariling pagka-tao.
Ganyan ang pag-intindi ngayon ni Niyebe sa tunay na pag-ibig. Na kahit kailan man hindi ka pwedeng mag-mahal ng tunay ng kakalahati lang. Ni hindi ka rin pwedeng umibig ng tunay na may kondisyones.
Ang pag-ibig ay pag-ibig. Mahirap unawain, mahirap intindihan ngunit kapag ito'y hinayaang maging gabay sa iyong landas ng walang pag-aalinlangan ang tunay na pag-ibig ay makakamtan.
Mula sa kaibuturan ng puso ni Niyebe papunta sa kanyang mga minamahal sa buhay na nasa iba't ibang lebel, na nasa iba't ibang panahon at pagkakataon, nagpapa-salamat siya sa opportunidad na maramdaman, maranasan at makita niya ang tunay na pag-ibig.
Ito'y lalong-lalo na sa kanyang Niyebo.

2 comments:

  1. Yebe:at yan ang tunay na pag-ibig. Noon meron tayong mga ideal man dapat siya ay ganito at ganyan. Pero pag ito ay darating na sa buhay natin maging sino ka man. Ipaglalaban ko ! Pwede yan lalo na pag ang isang lalaki ay ipinaglaban ka din. Sa buhay kahit ano man ang mga disisyon natin ay walang tama o mali sinusunod lang natin ang tibok ng puso.KAPAG TUMIBOK ANG PUSO WALA KANANG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO!
    Mabuhay ka NIYEBE!

    ReplyDelete
  2. mabuhay ka niyebe..tama ka, pasasalamat sa May Kapal ang pinakamagandang nagawa ng naranasan mo sa Tuunay na Pag-ibig, dahil sa mga opportunidad na naranasan, naramdaman at kung anu-ano pang emosyon na ma-encounter mo sa mga susunod pang mga araw at panahon:) ~ niyelo

    ReplyDelete

Thanks for your comment. It is greatly appreciated.