
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.
Pag-ibig na siyang dahilan, puso ay nasusugatan
Sa bawat pintig, kirot ang nararamdaman.
Ang hirap humanap ng paraan
Upang bigat ng pasanin maibsan.
Ngunit aking naisipan,
Alalahanin ang mga nakaraan...
Mga ala-alang makikinang.
I-ukit kong muli sa diwa at isipan
Nang sa gayo’y mapawi kahit saglit lang
Ang mga hinanakit na dinadamdam.
Ang mga ala-ala
Dun sa Amerika, nung kami ay nagkasama
Kahit saglit na panahon, naging masaya.
Sa mga umaga tuwing siya ay aalis
Mahal ko ang kanyang sambit.
Yayakap ng mahigpit,
Mistulang ayaw umalis
Ngunit kita sa kanyang mga mata,
Ang galak na sa ilang sandali
Sa piling ng kanyang sinta siya ay manunumbalik.
Ang mga panahong yayakap at sya’y
Magpapasalamat sa lahat lahat,
Di ko man mawari , nararamdaman ko ang ibig nyang ipahiwatig.
habang wala ng tatamis sa halik na dahan-dahang
Dadapo sa noo, sa kilay, sa gilid ng mata, sa ilong,
sa gilid ng labi na nagmula sa puso ang bawat dampi.
Ang nang dumating ang panahon na magkakahiwalay,
Habang papunta sa paliparan, ang aking kamay
Mahigpit na hinawakan kasabay sa paglakbay.
Ang kanyang tension ay bakas sa kanyang mukha
Siya ay nababahala sa naka-ambang
Paglalayo sa isa’t-isa.
Pagmamahal nga naman,
Di mo maintindihan. Puso lang ang nakakaalam
Kung hanggang saan at hanggang kalian.
Magiliw na pagsinta sa ating dalawa manunuluyan.